Pages

Pagbasa at Pagsulat

March 10 2012

Ngayong gabi, binasa ko ang mga sulat niya para sakin noon. Tapos ito uli ako. ung Janinang iyakin, Janinang kinikilig na sa “LUV U”, Janinang gusto uli maramdaman ung magmahal ng sobra at hindi takot masaktan.

Pakiramdam ko bata uli ung puso ko. Parang ayoko ding maubos ‘tong tinta ng ball pen kong maganda, natatakot akong mapagod ‘tong kamay ko sa pag sulat, na baka mangalay ako sa pwesto ko, na baka antukin ako habang sinusulat ko to.

Naisip kong basahin ang so-called “memories” namin hinde dahil gusto kong bumalik sya, hindi din dahil na mimiss ko sya, hindi ito dahil sa kung anu mang unresolve feelings na meron ako. gusto ko lang balikan, malaman kung bakit mahalaga tong mga to sakin ng sobra.

Mag isa ako ngayong gabi, dito sa dorm, sa double deck. at mahaba ang listahan ko ng mga dapat gawin. Bukas pag gising ko babalik na uli ako sa reyalidad. haharap sa mga tao, mabubuhay para sa kung ano ang meron ngayon at hindi ano ang nakaraan o hinaharap. Living the present, living now.

Pero ngayong gabi, magmumuni muni muna uli ako. Screw my to-do list. i’m doing myself a favor by letting my mind rest and my heart float. kaya habang naka play ang Theraphy, Remembering Sunday, Day dream away at iba pang slow song ng pinaka mamahal kong All Time Low. ung When we were young, Back to the start at kung ano pang mala-heart broken na kanta ng The Summer Set. Sama mo pa ung Baby Blue Eyes, Mr. Right, Like we used at mga heart felt na kanta ng A Rocket to the Moon. habang na ka on ang playlist kong yan, susulat ako. magrereminisce ako. makikipag reconcile sa first inspiration ko. reunite with my first romance. sa lahat ng first ko nung una akong kinilig. nung unang beses ako naging emo. nung kagaya dati na super madrama pa ko dahil sa LOVE. Alam mo kung anong pinaka magandang part nung mga un? ung part na natutong magsalita ung puso ko. kasi nung nainlove ako. naka buo ako ng tula, ng kanta at kung ano ano. dahil nung na in love ako, natuto akong sumulat, makipag usap gamit ang magandang tinta ng ballpen ko.

Dahil sa pag basa ko ng sulat niya, naka alala ako. naalala ko ‘to. :)

No comments:

Post a Comment