Pages

Opportunity to be Inspired.

Lahat tayo kailangan ng inspiration sa bawat gagawin natin.

Narinig ko sa isang TV show na "we can take inspiration out of anywhere." baka pati rin mula sa anything at anyone. or kahit anong gusto nating paghugutan ng inspirasyon. at sa palagay ko, super totoo un.

Minsan pag lumalabas ako, nakikita ko un langit dito samin pag hapon. ang ganda pero ang lungkot ng kulay. tapos naisip ko, ganun ang buhay eh, ang ganda ganda, ang sarap sarap mabuhay. pero minsan pag mag isa tayo, malungkot din pala mabuhay.

Kadalasan kapag nasa bus ako pauwi, nako super haba ng biyahe, nag iisip ako ng inspirasyon. para habang nasa biyahe ako, makapag buo ako ng concept ng isusulat ko pag uwi ko sa bahay. ayun, so far so good naman.

Siguro, ung mga taong nakakakilala sakin noon, ung alam ung mga bagay bagay tungkol sa totoong ako. ito siguro ung hindi nila ganung alam. ung ganitong side ko. na minsan kahit super expired na nung moment, ginagawa ko paring inspirasyon. sayang eh. kung un ba mag papasipag sakin magsulat, edi, go di ba. Minsan akala natin maliit na bagay lang un. pero from those small yet meaningful moments nakakahugot ng lakas ng loob, ng mga salitang sasakto sa gusto mong ipaliwanag at ng kwento. kwentong minsan pwedeng dagdagan, o bawasan, palitan o kung ano pa man. kasi nangyare na un. kung may iibahin ka, ok lang. hindi naman biography ung ginagawa mo eh. hindi naman straight news. kaya ok lang. hindi porket may ganung linya, ganun na talaga di ba?

Pag binasa niyo ung mga nalagay ko na ditong mga nabuo ko, mapapansin niyo puro love okaya puro moving on or basta parang personal. Oo, aaminin ko, may mga taong hindi maiintindihan tong sasabihin ko, pero might as well, sabihin ko na din. Sinulat ko un base sa nararamdaman ko, pag nanunuod ng movie, nagbabasa ng novel at pag may naaalala ako from the past. pero hindi ibig sabihin nun un ung state ng feelings ko. nagkakataon lang na un ung nabubuo. Hindi naman lahat ng gagawin natin kailangan pang kasalukuyan eh. minsan may mga kwento sa nakaraan na gusto mong ibahagi kasi alam mong somewhere out there ung naramdaman ko noon, baka nararamdaman din nila.

Pag gusto kong sumulat ng masaya, edi iniisip ko ung sa mga movies at mga friends ko na nag eenjoy sa love mga moment na naramdaman ko din un. ung mga sweet na eksena ng mga couple. Pag tungkol sa nakaraan o malungkot na love story, ganun din. movies, libro at personal na experience.

Masarap mainspire sa mga tamang bagay bagay. Kaya everyday, i look at it as an opportunity to be inspired again. and again. :)

No comments:

Post a Comment